Menu

HISTORY

"Paaralan ng Masa, Isang Gintong Kasaysayan"

Andres Bonifacio Elementary School…paaralan ng masa… ang binubuong bantayog ng edukasyon ay kasintatag ng monumentong kanyang sinasagisag … isa sa mga natatanging paaralan sa Lungsod ng Pasay… isa sa mga may gintong kasayasayan ang pinagmulan!

Ang paaralang ito bago maganap ang ikalawang digmaang pandaigdigan ay tinatawag na Primaryang Paaralan ng  San Jose bilang pagsunod sa pangalan  ng Patron San Jose de Labrador. Ito ay binubuo lamang ng walong silid-aralan na yari sa kahoy. Dumami ang mga magaaral dito sa pagdaan ng panahon kayat naging bahagi ito ng Mababang Paaralan ng Gotamco. Ang walong silid-aralan ay naragdagan ng limang silid na matatagpuan sa Fabini Street na mas kilala sa kasalukuyang bilang San Juan Street. Punong gurong si Salustino Bernabe sa pakikipagtulungan ng mga guro at magulang ay nagsisikap upang maragdagan pa ang mga silid-aralan upang makasabay sa lumalaking populasyon ng paaralan. Sa panahon ni Francisco Cu, ang pumalit kay  Ginoong Bernabe bilang punog guro, naging isang ganap na San Jose Barrio School ang paaralan.

Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, matapos tuluyang masalanta ang San Jose Barrio School noong 1946 ay dalawang silid ang muling itinayo kapalit nito at ito ay nagging bahagi ng Mababang Paaralan Jose Rizal.

Taong 1949 nagpatayo ang pamahalaang nasyonal ng labindalawang silid na gusaling Gabaldon at isinalang ang alay sa kagitingan ng bayaning si Gat. Andres Bonifacio… ang Andres Bonifacio Elementary School.

Pinamumunuan ito ni Gng. Victorina Primicia hanggang kalagitnaan ng dekada 50 at sinundan naman ni  Jose Martinez bilang punong guro . Noong 1957 ay itinalagang mamuno sa paaralang ito si Angeles Santos. Makalipas ang siyam na taon, noong 1966, ay hinirang na punong guro si Gng. Miguela Bajet.

Sa ilalim ng pamamahala ni Bajet ay lumaki ang populasyon ng paaralan . umabot sa 1,900 ang mga mag-aaral dito kung kaya ang populasyon noong mga panahong iyon ay sakop pa ng paaralan ang daang Buendia.

Taong 1970 , si Gng. Bajet ay umalis at si Gng. Leonora Munos; ang distritong superbisor ang nagging officer- in- charge hanggang maging punong guro si Gng. Maria Alcantara noong Hunyo,1971

Noong 1976, ang pagpapalawak ng Buendia o Gil Puyat  Avenue para sa kalutasan ng trapiko ay nakaapekto nang malaki sa paaralan. Giniba ang ilang gusali at lumiit ang espasyo ng mga magaaral. Subalit sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga magaaral, isang gusali muli ang ipinatayo at tinawag na “Marcos Building” bilang pagbibigay halaga sa dating pangulo ng bansa, Ferdinand E. Marcos.

Taong 1978, isang punong guro muli ang dumating sa katauhan ni Bb. Virginia Penafuerte. Sa ilalim ng kanyang pamamahala ay tumaas ang antas ng pagkatuto sa paaralan. Dahil dito ay patuloy na dumami ang mga magaaral. Ilang gusali ang muling naipatayo tulad ng “RP-US Building” at Bagong Lipunan Building” hindi nagtagal ang kanyang pamamahala sapagkat siya ay nagging pansangay na superbisor sa ingles noong 1983.  Sa kanyang pagalis , nagging officer-in-charge ang gurong si Gng. Magabo.

1984 nang dumating si Gng. Adelaida Montes ang itinalagang mamuno sa paaralan. Sa kanyang panahon nagsimulang gumanda ang mga pasilidad ng paaralan at napalitan ang ilang gusali. Ang kanyang panunungkulan ay pinalitan naman ni Gng. Serenidad Alumno. Sa pagreretiro niya, humalili naman si Gng. Milagros Ignacio. Noong 1998, nang magkaroon ng biglaang pagpapalitan ng mga punong guro, humalili muna bilang officer- in –charge si Gng. Teresita Cabral. Nobyembre ng taong din iyon, itinalaga bilang administrator ang pinakabatang punong guro sa lungsod ng Pasay na si Librado F. Torres. Patuloy na napaganda at napabuti ang mga pasilidad ng paaralan sa patuloy na pagpapalit ng pamumuno ng paaralan mula kay Dr. Melitona Bernardino, Gng. Edith V. Flora, hangang kay Gng. Emma I. Shaffer. Sa panahon ni Bb. Araceli P. Caampued naging aktibo ang paaralan sa pagpapatibay ng relasyon ng mga kumunidad sa paligid ng paaralan at maging sa mga magulang. Binigyang diin ni Bb. Caampued ang kahalagahan ng pagkatuto ng bawat magaaral sa paraang sila ay masiyang natututo. Sa mga panahong ito naipamalas ng paaralan ang isang mas maganda at mas kompetitibong paaralang Andres Bonifacio. Matapos magretiro si Bb. Caampued, ang paaralan ay sinundang pamunuan ng isa sa pinaka bata at dynamikong punong guro sa lungsod ng Pasay na si Gng. Glenda D. Tabaquirao na nagpasimula ng isang paaralang handa sa pag gamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagtuturo. Matapos ang isang taong sinundan si Gng. Tabaquirao ng dalawa pang punong guro na sina G. Noel Junyo at G. Tirso Gali.  Sa kasalukuyan and paaralan ay pinamumunuan ni Bb. Jeanne Rejuso kung saan nakilala ang paaralan sa galing Pangakademiko, PangTeknolohiya kasabay sa Pagpapaganda ng Kalikasan.

Patuloy pa rin ang mga pagsisikap upang higit pang mapataas ang antas ng pagkatuto ng mga magaaral. Patuloy pa rin ang mga pagsisikhay upang mapaunlad at mapaganda ang pangakademikong kapaligiran ng paaralan. Patuloy pa rin ang pagbubuhos ng panahon uopang mapabuti pa ang paghahtid ng serbiyong pangedukasyon sa bayan. Noon, ngayon, bukas, at magpakailanman… mananatili ang bantayog na naitayo… mag-iigting pang lalo ang pagpupunyagi para sa mga adhikain at mga bagay na matagal na nating inaasam… KAHUSAYAN, KAGITINGAN SA PAMUMUNO, PAGPAPAHALAGA SA KAGANDAHANG-ASAL AT WASTONG PAGUUGALI at ang mga ito ay inaasahang maihatid ng nagiisang paaralan ng masa…. ANDRES BONIFACIO ELEMENTARY SCHOOL.